Pagbabago ng Kasuotan sa Pagdaan ng Panahon
Nababatid mo ba nag pagbabago sa ating kultura? Hindi mo ba nababanaag sa iyong sarili na ikaw mismo ang hinuhubog na rin ng pagbabago sa ating henerasyon? Marami na ang binago sa panahong ito. Lalo na sa ating pananamit na pang araw-araw nating ginagawa. Isa sa salik ng pagbabago ng ating pananamit ay ang social media. Napapansin mo ba na kung ano ang usong damit ngayon ay mas pinapakita nito ang mas maraming balat.

Kung ating makikita sa larawan , ang litratong ito ay nagpapakita ng pagiging konserbatibo sa pananamit ng mga tao noon. At sa aking paningin ang litratong ito ay nagsisimbolo rin ng RESPETO sa sarili dahil sa papaging konserbatibo nila . Dahil noon ang uri ng mga pananamit lalo na sa kababaihan ay importante, naniniwala silang ang mga babae ay hindi dapat makitaan ng ano mang parte ng katawan dahil ito’y nagpapakita ng hindi kaaya aya sa paningin ng mga matatanda at kanilang pinahahalagahan ang pagiging kababaihan.
Noon ang pananamit nila ay napakahinhin. Sila ay balot na balot. Filipiniana ang katawagan sa kasuotan noong unang panahon na ngayon ay isang kasaysayan na lamang. Dahil kung ika’y nakasuot ng filipiniana sa panahon ngayon iisipin ng mga tao ay may dadaluhan kang pormal na pagdirirwang. Noon napakahinhin ng kababaihan, maswerte na ang lalake kung nakakita siya ng babaeng hindi balot ang suot. Noon kasi hindi pa uso ang internet at social media kaya wala silang sinusunod na kasuotan. Hindi pa kasi uso ang mga maiiksing suot.

Comments
Post a Comment